Huwebes, Oktubre 20, 2016

Alamat ng Bayambang, Pangasinan

ALAMAT NG BAYAMBANG
(Pangasinan)

Kapapadpad pa lamang ng mga kastila dito sa ating Bansa. Sinasabi ring wala pang mga pangalan
ang iba’t ibang lupain sa Pilipinas.

 Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punong kahoy. Karamihan sa mga ito ay ang puno na nagngangalang “alibangbang”.

 Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay maagang naulila. Natuklaw ng ahas angkanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias namamuhay na nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang iknabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy atkinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitongparaan nabuhay si Elias.

Noon ay panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalabasng bahay. Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. Tanging ang batang si Eliaslamang ang araw-araw umaalis ng bahay.

Isang araw sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong alibangbang ay may mga kastilang
dumaraan.. Katanghalian noon kaya’t ang mga dayuhan ay sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman angmga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan kung kaya’t tinanong nila ang pangalan ng puno.

“Alibangbang,” ang sagot ni Elias.

Sa kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi
ang alibangbang,sa halip ay “Bayambang”. Simula noon, ang maliit na bayan ay tinawag na “nayon ngBayambang.”

Alamat Ng Isandaang Mga Pulo Hundred Islands

Ang bayan ng Alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng isandaang maliliit na mga pulo (Hundred Islands) sa kanyang karagatan. Ngunit may kuwento kung paano nagkaroon ng mga pulong ito. Ang isandaang mga pulo ay umusbong pagkatapos ng isang di makalilimutang pangyayari sa nasabing bayan.
Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang maasensong bayan. Sagana ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga mangingisda ay tuwang-tuwa sa dami ng kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa lamang sila pumapalaot ay tiyak silang babalik sa pampang na puno ng huli ng iba’t-ibang klase ng isda.
Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa mga matatanda may isang perlas ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang huli sa mga mangingisda. Inatasan ng diwata ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na maging tagabantay sa nasabing perlas. Di tulad ng kanyang ina, si Liglioa ay may dugong mortal kung kaya’t siya ay nakatira sa isang kubo malapit sa pampang at nakikihalubilo sa taombayan. Mahal na mahal ng mga taombayan si Liglioa hindi lamang dahil sa siya ang bantay ng perlas kundi pati na rin dahil mabait at matulungin ang dalaga.
Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang dagat ng Alaminos. Naiingit sila at sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang dakpin si Liglioa at itago sa kanilang bayan. Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag nakita nitong hawak nila ang kanyang anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang magkararanas ng masaganang huli.
Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo ay tinipon na ni Datu Mabiskeg ang mga mahuhusay na mandirigma ng Alaminos upang ipagtanggol si Liglioa. Nagkaroon nga ng digmaan sa karagatan ng Alaminos. Maraming mga mandirigma ang namatay mula sa parehas na kampo.
Alamat ng Isandaang mga Pulo (Hundred Islands)
Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng paraan upang matigil na madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa na lamang ng isa pang perlas para sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng Alaminos.
Ngunit umiling ang diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa pang perlas. Paliwanag ng kanyang ina na ang tunay na perlas na nagbibigay ng masaganang huli sa taombayan ng Alaminos ay walang iba kundi ang nag-iisa nitong anak- si Liglioa.
Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng mabisang paraan upang matigil na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa kanyang ina na siya ay pumalaot na lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay walang sinoman ang makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga. Mas magiging ligtas para sa lahat ang naisip na paraan ng dalaga.
Samantala ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa karagatan ay unti-unting naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa nasabing digmaan para sa perlas na nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging tanyag na isandaang mga pulo ng Alaminos.

Miyerkules, Oktubre 19, 2016

BAKIT MO DAPAT PUNTAHAN ANG PANGASINAN?

- Hindi ka na magdadalawang isip pa  kung bakit pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa ang Pilipinas sa kabila ng napakaliit na sukat ng bansang ito. Kabighabighani naman talaga ang natatago nitong ganda kaya’t  kahit sino ay mawiwili at matutuwang bumalik dito. Isa na ang Pangasinan sa isa sa mga napakaraming lugar dito sa Pilipinas na nagkukubli ng kakaibang ganda ng kalikasan.

Ang masasarap na pagkain sa pangasinan

Gawing maskumpleto ang pamamasyal sa Dagupan at Calasiao sa pamamagitan ng nakakabusog na foodtrip. Habang naglalakbay, samahan ito ng pagtikim sa iba't ibang pagkain na matatagpuan dito. Hindi mo na rin kailangang tumungo pa sa mga restaurants at gumastos ng mahal dahil sa mismong daan ay maari mo na silang makita. Ang mga sumusunod na pagkain ang talaga namang kukumpleto sa inyong pamamasyal sa Pangasinan:

1. Kaleska
Ang kaleskes ay isang pagkain Pangasinense na nangangahulugan ng "bituka" na siyang pangunahing sangkap nito. Ang sabaw na putaheng ito ay sinamahan pa ng iba't ibang lamang-loob ng baka tulad ng pale, goto at bato. Maikukumpara ang lasa nito sa hindi mapait na bersyon ng pagkaing "papaitan" ngunit masmayaman ang sabaw nito dahil hinaluan ito ng dugo. 
Picture

2. Pigar-pigar 
Ang Pigar-pigar ay isa sa sikat na pagkain sa Galvan Street sa Dagupan City. Ito ay karneng baka na hiniwa-hiwa sa maliliit na piraso at pinirito na may kasamang gulay. Ang Pigar-pigar ay salitang Pangasinense na nangangahulugan ng "binalibaliktad" dahil sa pamamaraan ng pagluluto nito. Kadalasan na ginagawang ulam ito ngunit mastaniyag ito bilang perpektong pulutan kasama ang beer.
Picture

3. Bangus at hito
maskilala ang inihaw na bangus dahil maliban sa presko ito ay talaga namang malinamnam ito. At maliban sa bangus, ang inihaw na hito ang pinipilahan ng marami. Maslalo itong pinasarap dahil sa sawsawang bagoong na nilagyan ng kalamansi at sili. Umaabot ng mula 150-180 ang bawat isang piraso ng hito at bangus depende sa laki nito. 
Picture

4. Putong Calasiao
​Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa putong ito dahil basta bayan ng Calasiao ang pag-uusapan, ito ang unang sasagi sa iyong isipan. Ang Puto Calasiao ay pagkaing mula sa giniling na bigas at binuburo ng ilang araw bago ito lutuin at maging isang masarap na puto. Ang maliliit na bilog na pagkaing ito ay may iba't ibang flavors tulad ng cheese, ube, pandan at maging strawberry.
 Picture

5. "Inkaldit/Patupat"
Maliban sa Puto Calasiao, ilan pa sa mga kakanin at lokal na pagkain ang inyong dapat matikman sa Pangasinan ay matatagpuan sa pamilihang bayan o palengke rito. Isa sa sikat na kakanin dito ay ang "Inkaldit/Patupat" o isang uri ng minatamis na lagkitan na niluto sa gata at binalot sa dahon ng niyog na nilala. Maihahambing ang lasa nito sa biko at ang kanyang itsura sa 'puso' sa Bisaya.  

Picture

6. Pag-kaing dagat
- At syempre, papahuli ba ang Pangasinan pagdating sa mga pagkaing-dagat? Maarami ang mga kilalang restaurant sa Dagupan dahil sa sari-saring seafood na inaahin dito. Isa dito ang Matutina's Seafood's House and Restaurant. Ngunit kung kulang ang budget o kaya nagtitipid,  dumayo lamang sa Tondaligan Beach sa Bonuan dahil marami rito ang mga naglalako ng iba't ibang uri ng seafood sa sobrang babang presyo. Mula sa 100-200 ay maari ka na makabili ng ilang plato ng hipon at alimango na nilalako ng mga mangingisda rito.
Picture
ref: The taste of pangasinan

Lugar at Pasyalang Sikat sa Pangasinan

1. Antong Falls in Sison Pangasinan
Image 
Isa na ang Antong falls sa ipinagmamalaki ngayon ng Pangasinan dahil sa napakalinaw nitong tubig. Makikita mo rin dito ang mga naglalakihang mga buhay na bato. Ngunit bago ka makapunta dito isang adventurous na paglalakbay muna ang tatahakin mo. Siguradong magiging patok ito sa mga taong walang ibang hanap kundi puro adventures.

2. Mt. Balungao in Balungao, Pangasinan
30302183
Kakaibang ganda naman ang dulot na ganda ng Mt. Balungao na talaga namang ipinagmamalaki ng mga taga Balungao. Napakaraming mga pakulo ng mga namamahala sa bulkang ito. Bukod sa hotsprings at swimming pools ay meron na din itong mga picnic grooves, pavilion at ang isa sa mga pinaka patok na adventure ngayon, ang zipline na talaga namang dinadagsa ng karamihan sa atin. Siguradong mag-eenjoy  ang buong pamilya sa ganitong kagandang lugar.

3.  Hundred Islands in Alaminos, Pangasinan
Image
Siguradong pamilyar sa inyo ang Hundred Islands dahil sa madalas na pagkakabilang nito sa 7 wonders of the Philippines. Kabigha-bighani naman din talaga ang pagkakagawa ng kalikasan sa mga 100 pulong ito. Isa rin magandang pasyalan ito ng mga magpapamilya at tiyak na mageenjoy ang lahat lalo na sa kayaking.

4. Patar Beach in Bolinao, Pangasinan
Image
Kung isa kang ilocano o ikaw ay malapit lapit sa northern part ng luzon, hindi mo na kailangan lumayo pa at pumunta ng boracay para lang dayuhin ang ipinagmamalaking white sand, dahil dito mismo sa Pangasinan makikita mo ang napakandang beach na may napakalinaw na tubig at may white sand sa kapaligiran. Siguradong mamangha ka sa ganda nito, dahil sa virgin island pa ito konti pa lamang ang nakakadiskubre ng itinatago ng bolinao. Marami pang magagandang features ang bolinao na dapat nating tangkilikin at ipagmalaki.

5. Umbrella Rock of Agno in Bayambang, Pangasinan
Image
Kamangha-mangha naman talaga ang rock formation ng matatagpuan sa Bayambang. Mistulang naglalakihang mga payong ang mga batong ito. Siguradong mageenjoy at pamilya sa pagbisita sa kakaibang ganda ng lugar na ito.

6. Manaoag Church
Resulta ng larawan para sa manaoag church in pangasinan

Pinagmulan ng pangalan na PANGASINAN

ANG "PANGASINAN" AY HINANGO SA "ASIN"
NA ANG IBIG SABIHIN AY "LUGAR NG ASIN" 
O "PAGAWAAN NG ASIN"