Huwebes, Oktubre 20, 2016

Alamat ng Bayambang, Pangasinan

ALAMAT NG BAYAMBANG
(Pangasinan)

Kapapadpad pa lamang ng mga kastila dito sa ating Bansa. Sinasabi ring wala pang mga pangalan
ang iba’t ibang lupain sa Pilipinas.

 Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punong kahoy. Karamihan sa mga ito ay ang puno na nagngangalang “alibangbang”.

 Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay maagang naulila. Natuklaw ng ahas angkanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias namamuhay na nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang iknabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy atkinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitongparaan nabuhay si Elias.

Noon ay panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalabasng bahay. Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. Tanging ang batang si Eliaslamang ang araw-araw umaalis ng bahay.

Isang araw sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong alibangbang ay may mga kastilang
dumaraan.. Katanghalian noon kaya’t ang mga dayuhan ay sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman angmga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan kung kaya’t tinanong nila ang pangalan ng puno.

“Alibangbang,” ang sagot ni Elias.

Sa kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi
ang alibangbang,sa halip ay “Bayambang”. Simula noon, ang maliit na bayan ay tinawag na “nayon ngBayambang.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento